MUSIKA

Isipan ko’y nababalot ng musika

Pinariringgan ang paboritong kanta

Mga salita nitong nagpapakahulugan

Sa saliw na aking nararamdaman

Nilulunod nitong bawat liriko

Ang nilalaman ng isipan ko

Sa hindi malamang dahilan

Ako’y dinala nito sa kawalan

 Iniwang blangko itong isipan

Pinapalakas ang nararamdaman

Pusong nababagabag

Binibigyang paliwanag

Sa huling pahayag nitong kanta

Kawalan ay nilisan ko na

Kamalayang minsang nanakaw

Bumabalik na’t napupukaw

Nakabalik man ako sa katotohanan

Bakas ng musika’y hindi malilimutan

Damdamin ng pusong nalilito

Ngayo’y nauunawaan ko na rin ito

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s