HARTTRAB (Hearthrob)

O, munti kong kaibigan

Lubos na ang iyong kasikatan

Sa eskuwelaha’y tinitilian

Dinudumog ng mga kababaihan

Ang taglay mong kariktan

Ito ba ang dahilan?

Pinapangarap ka ng iilan

Tunay ka nilang kinababaliwan

Sa iyong paglakad, sila’y napahihinto

Sa iyong pagngiti, sila’y napatitingin

Sa iyong pagtawa, sila’y nalulugod

At sa iyong pagkaway, sila’y kinikilig

Ang iyong larawa’y pinagpapantasyahan

Kanilang isipa’t panaginip, ikaw ang laging laman

Paksa ka ng kanilang kuwentuhan

O, labis ka nilang hinahangaan

Ano nga bang hiwaga ang iyong dala?

Kaibigan ikaw ba’y may mahika?

Sila’y nahuhumaling sa iyong ganda

Ikaw na ang kahilingan nila

*Yung reaction nung ibang GIRLS at BEKI doon sa mga kakilala’t kaibigan kong sumali sa search yung nag-inspire at nagpapasakit ng tyan ko sa sobrang tawa! Para kasing mga artista yung turing nila sa mga kaibigan at kakilala ko tapos kami parang wala lang pakialam. LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s